Over the course of many years, without making any great fuss about it, the authorities in New York disabled most of the control buttons that once operated pedestrian-crossing lights in the city. Computerised timers, they had decided, almost always worked better. By 2004, fewer than 750 of 3,250 such buttons remained functional. The city government did not, however, take the disabled buttons away—beckoning countless fingers to futile pressing.
Initially, the buttons survived because of the cost of removing them. But it turned out that even inoperative buttons serve a purpose. Pedestrians who press a button are less likely to cross before the green man appears, says Tal Oron-Gilad of Ben-Gurion University of the Negev, in Israel. Having studied behaviour at crossings, she notes that people more readily obey a system which purports to heed their input.
Inoperative buttons produce placebo effects of this sort because people like an impression of control over systems they are using, says Eytan Adar, an expert on human-computer interaction at the University of Michigan, Ann Arbor. Dr Adar notes that his students commonly design software with a clickable “save” button that has no role other than to reassure those users who are unaware that their keystrokes are saved automatically anyway. Think of it, he says, as a touch of benevolent deception to counter the inherent coldness of the machine world.
That is one view. But, at road crossings at least, placebo buttons may also have a darker side. Ralf Risser, head of FACTUM, a Viennese institute that studies psychological factors in traffic systems, reckons that pedestrians’ awareness of their existence, and consequent resentment at the deception, now outweighs the benefits. | Sa loob ng maraming taon, unti-unting inihinto ng mga awtoridad sa New York ang paggana ng karamihan sa mga button ng kontrol na dating nagpapatakbo sa mga traffic light para sa pagtawid ng mga pedestrian sa lungsod, nang hindi nag-iingay tungkol dito. Napagpasyahan nila na mas mapagkakatiwalaan ang mga computerized na timer sa halos lahat ng pagkakataon. Pagsapit ng 2004, wala nang 750 sa 3,250 button ng kontrol ang nananatiling gumagana. Gayunpaman, hindi inalis ng pamahalaan ng lungsod ang mga hindi na gumaganang button, kaya napakarami pa ring pumipindot sa mga ito nang walang nangyayari. Sa simula, hindi inalis ang mga button dahil mas matipid na panatilihin na lang ang mga ito. Gayunpaman, napag-alamang may silbi kahit ang mga hindi gumaganang button. Ayon kay Tal Oron-Gilad ng Ben-Gurion University of the Negev sa Israel, mas maliit ang posibilidad na tumawid ang mga pedestrian na pumipindot ng button bago maging berde ang ilaw. Batay sa kanyang kaalaman sa gawi sa mga tawiran, sinabi niya na mas sinusunod ng mga tao ang sistemang sa tingin nila ay nagsasaalang-alang sa impormasyong ibinibigay nila. Ayon kay Eytan Adar, isang eksperto sa interaksyon ng mga tao at computer sa University of Michigan sa Ann Arbor, may ganitong placebo effect ang mga hindi gumaganang button dahil gusto ng mga tao na para silang may kontrol sa mga sistemang ginagamit nila. Sinabi ni Dr. Adar na karaniwang nagdidisenyo ang kanyang mga mag-aaral ng software na may naki-click na button na “i-save” na walang ibang papel kundi bigyang-katiyakan ang mga user na walang ideya na awtomatikong nase-save ang kanilang mga keystroke. Ani niya, maaari natin itong ituring na panlilinlang na may mabuting layunin kontra sa likas na kawalang-puso ng makabagong teknolohiya. Isang pananaw iyon. Gayunpaman, sa mga tawiran sa kalsada, maaaring mayroon ding negatibong epekto ang mga placebo button. Para kay Ralf Risser na pinuno ng FACTUM, isang institusyon sa Vienna na nag-aaral sa mga sikolohikal na salik sa mga sistemang pantrapiko, mas matimbang na ngayon kaysa sa mga benepisyo ang kabatiran ng mga pedestrian na hindi na gumagana ang mga button na ito, at ang hinanakit nila sa panlilinlang sa kanila tungkol dito. |